MALALIM na ang gabi nang maihatid siya ni Andrew sa bahay nila kaya naman hindi na nila inabutang gising si Andrea habang si Mama Cecille naman ay nasa sala at nanonood ng TV, halatang hinihintay siya. "Ginabi ka yata?" ang tiyahin niyang tumayo at alam niyang sa kusina ang tuloy. Nakangiting nilingon ni Lana si Andrew saka masaya ang bukas ng mukhang ipinakita sa tiyahin ang suot niyang diamond engagement ring. "May pa-singsing si mayor eh" aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Mama Cecille. "Masaya ako para sa inyong dalawa. Halina kayo at ng makakain na" anitong nagpatiuna na sa paglabas ng kusina. "May petsa na ba ang kasal?" si Mama Cecille matapos silang ipaghain ng hapunan ay naupo habang umiinom ng mainit na gatas. "Sa nga