SPECIAL CHAPTER "MRS. ANDREW SCOTT 2"

1023 Words

Sa huling sinabi ni Andrew ay nakita ni Lana na kumislap ang maliliit na apoy ng paghahangad sa magaganda nitong mga mata. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang hawakan nito ang kamay niya saka siya hinila patayo. "Sa tingin ko kailangan na nating magsimula," ang sumunod na pabulong na sinabi ni Andrew saka pinadapo ang mainit nitong labi sa kaniyang punong tainga. Napasinghap doon si Lana kasabay ang masarap na agos ng sensasyon sa kaniyang buong katawan. "Andrew," anas niya saka ikinapit ang dalawang braso sa leeg ng kaniyang asawa. Noon siya hinapit ng husto ni Andrew sa kaniyang baywang saka pagkatapos ay mariing hinalikan sa kaniyang mga labi. "Shower tayo?" tanong nito sa kaniya nang bumitiw ito mula sa pagkakahalik sa kaniya habang nasa mga mata nito ang makahulugang mga titig.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD