GAYA ng inaasahan ni Andrew, nasa ibaba na nga ang pagkaing inorder ng sekretarya nito. Pagkakain ay niyaya siya ng binata sa rooftop. Ilang sandali nanatili lang silang tahimik at magkatabing naupo sa loveseat na naroon. Nang mapagod ang ulo ni Lana ay saka niya naisipang ihilig iyon sa balikat ni Andrew. "Bakit parang hindi ka active sa showbiz ngayon?" ang naisipan niyang itanong saka pinaglaruan ang mga daliri ni Andrew na kanina pa hawak ang kamay niya. Narinig niya ang buntong hiningang pinakawalan ng binata. "Sa totoo lang gusto ko ng mag-quit" anito. Nagulat si Lana sa narinig. "Ha? Bakit?" tanong niya. "Siguro napapagod nalang ako. Parang gusto ko na ng normal at pribadong buhay" anitong nilingon siya saka niyuko at hinalikan sa noo. "gusto ko ng bagong buhay kasama ka at si A