Kabanata 20 "Zsakae!" sigaw ko. "Gel," tunghay nito agad sa aking tabi. "D-dugo..." nanginginig kong sambit. Agad niya akong binuhat at inihiga sa katre. Naiiyak na ako dahil sa matinding kaba. "Zsakae," tawag ko sa kanya. Sandali kasi itong napatulala. Nang tumingin siya sa akin ay agad na bumagsak ang mga luha niya sa mata. Mas lalo akong kinabahan. Pinahaba naman niya ang kanyang mga kuko sa kanan niyang mga daliri. "Kailangan ko siyang alisin. Hindi na kinakaya ng katawan mo." Agad akong napabangon. "Lalabas na siya?" "Kailangan ko siyang patayin." Agad akong umurong. "Hindi! Hindi mo iyon gagawin! Hindi!" "Mamamatay ka kung ipipilit natin Gel!" Nasampal ko siya. "Hindi hayop ang anak natin! Kahit ikamatay ko pa! Bubuhayin ko siya! Ako ang magdedesisyon doon at hindi ikaw!" u