NAKASUNOD sa’kin si Israel habang lumilibot ako sa grocery. Mistula kaming hindi magkakilala dahil kanina pa hindi nag-uusap. Akala ko nga ay roon lang siya sa sasakyan, pero pumasok din pala siya at ngayon nga ay nakabuntot sa’kin. Wala naman akong reklamo roon. Ang totoo ay gusto ko nga siyang kasama. Nakakadismaya lang dahil buong akala ko, kaya siya pumayag na samahan ako ay para magkasarilinan kami at makapag-usap. I thought that he’d do something to boost my mood dahil baka napansin niyang malungkot ako after what happened. Ilusyon ko lang pala ang lahat. Wala palang balak si Israel na pagaanin ang nararamdaman ko dahil wala siyang pakialam. At malamang kaya siya sumama ay dahil nagsasanay lang sa magiging responsibility niya oras na umalis na sina Daddy at Mommy. Paisa-isa kong na

