YANA "Iba ka rin talaga, Alyanang Panget no? Grabe yung kamandag mo!" pang-aasar na naman sa akin ni Klarisse. Pagdating pa lang namin kanina, paulit-ulit na s'ya nang pambubwisit. Lalo na nung sinabi ni Liv na si Kat lang muna yung kakausapin nila at maghintay na lang ako dito muna sa labas. At ang tagal na nila na nasa loob and hindi nila alam na they're just prolonging my agony. At eto pa, instead na palakasin yung loob ko ng magaling kong kapatid, puro pambubwisit yung ginagawa n'ya. At kahit ilang beses ko s'yang sawayin at samaan ng tingin, hindi pa rin s'ya tumitigil. Parang ngayon. "Baka naman gusto mong ikwento kung papa'no sinumulan ni Sofia yung eme n'yo? In fairness ha, hindi ko inakala na gagawin n'ya talaga yon. Akala ko, aakitin ka lang n'ya tapos, mag-uusap kayo. Aba'y k

