YANA "Hoy Panget, may bisita ka!" napatigil naman ako sa pagbabasa ng libro nang marinig yung boses ni Klarisse. Bisita? Sino naman yung bibisita sa akin dito? Eh nasa US halos lahat ng friends and mga kamag-anak ko. Alangan namang si Kat. Though, pwede rin dahil dapat mag-uusap kami nung nasa Batangas. Pero dahil sa nangyari kila Aerin and Liv, nagmamadali silang umalis kaya hindi kami nakapag-usap. Tapos nung sinundo naman namin sila sa airport, di rin kami nakapag-usap dahil moment yon nila Aerin at Liv. Nagpapakiramdaman nga lang kami non. Bigla akong na-excite sa naisip kong 'yon. Si Kat lang naman talaga yung pwedeng bumisita sa akin. Dali-dali akong bumangon at nag-ayos ng sarili sa restroom para naman hindi nakakahiya kay Kat. Halos nakalhati rin yung laman ng mouthwash dahil

