Chapter 30

2015 Words

YANA "At saan ka pupunta?" napatigil naman ako sa paglalakad nung marinig ko yung tanong ni Klarisse. Sarcastic na tumingin ako sa kanya sabay pakita sa kanya nung dala-dala kong flowers and cupcakes para kay Kat. Nakita kong naningkit yung mga mata n'ya habang nakatingin sa cupcakes kaya agad akong nagsalita. "Hoy! Ako yung nagbake nito no! Hindi ko 'to kinuha sa shop mo. Para kay Kat 'to eh." sabi ko na niyakap yung box ng cupcakes. "Aba malay ko! Kilala ko yang likot ng kamay mo. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa mo noon! Tse!" at pinandilatan pa ako ng mata ni Dragusha. "Move on na, Klarisse. Pero saka na natin pag-usapan 'to, busy ako. Kailangan kong simulan yung panliligaw ko ulit kay Kat dahil baka maunahan pa ako nung pangit na laging umaaligid sa kanya." at tumalikod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD