Chapter 21

2026 Words

GUSTONG usigin ni Stella si Dr. Laurel tungkol sa iba pang medication records ni Glenn kaso naiilang siya. Lumakas ang kutob niya na may mali sa proseso, na posibleng hindi naman talaga nabura lahat ng alaala ni Glenn. Nang mapagsolo sila ng doktor sa study room ay nilakasan na niya ang loob na kausapin ito. Tinitingnan kasi nito ang mga notes ni Glenn. “Uhm, Doc., may concern lang po ako tungkol kay Glenn,” aniya. Nakatayo lang siya sa gilid ng mesa kung saan nakaupo ang ginoo at binabasa ang notes ni Glenn. “Go ahead,” he said without eyeing her. “Kasi napansin ko na may nare-recall si Glenn na sa palagay ko ay parte ng nakaraan niya,” aniya. Napatitig sa kaniya ang doktor. “What do you mean, Stella?” curious nitong tanong. “Iyong portrait na nasa gym, nagmula iyon sa nakaraan niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD