MABUTI na lang may dalang extra na damit si Stella. Nagpalit siya ng pulang blouse at itim na skirt. Paglabas niya ng banyo ay may kausap na si Glenn, ang may edad nang lalaki na naka-amerikana. “You need to sign these papers, Glenn. After you review the other documents, you can decide if you will accept the proposal,” sabi ng lalaki. Maaring ito ang adviser ni Glenn. “What is proposal?” tanong ni Glenn. Napagtanto ni Stella na inosente pa rin si Glenn sa ibang bagay. Kailangan pa nitong gabayan nang maayos. Hindi nakapagtataka dahil sa institute ito nagtagal at maaring hindi sapat ang guidance at tutorial nito. Kung ganoon si Glenn na walang stable na mentality, maari itong maloko ng mga abusadong tao. Good thing she accepted the job. She can monitor Glenn’s life. Lumapit pa siya sa m

