AIRCRAFT ang sinakyan nila pauwi sa titirahan ni Glenn. Akala ni Stella ay sa Makati lang sila pupunta pero sa Clark pala. Malayo na rin sa Maynila. Mas maganda raw ang rest house roon dahil tabing dagat at malayo sa crowded places.
Namangha siya sa malawak na lupang kinatitirikan ng mansiyon. May mini resort ito na mas maganda pa sa commercial resort. Ganoon pala kayaman si Dr. Laurel.
“Hindi ito kay Dr. Laurel,” sabi ni Carlo na kasama rin niyang stay-in sa trabaho.
Nabanggit kasi niya na napakayaman ni Dr. Laurel sa property pa lang na iyon. Papasok na sila sa mansion. Si Glenn ay nakaupo sa wheelchair na tulak ni Carlo.
“Eh kanino ‘tong mansiyon?” manghang untag niya.
“Kay Glenn mismo. Ito ang bunga ng kasikatan niya noon.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Talaga?”
“Oo, pero may kasusyo siya rito.”
“Sino?”
“Ang half-brother niya.”
Inisip pa niya ang pangalan ng half-brother ni Glenn na nabanggit ni Dr. Laurel sa kaniya.
“Si…”
“Si Fabio,” ani Carlo.
“Oo, siya nga!”
“Darating daw yon dito para gabayan din si Glenn.”
“Oo nga raw. Sana nga ay makatulong siya kay Glenn.”
Ngumisi si Carlo, nakaloloko. May pagka-tsismoso rin ito, eh. Lahat ata ng detalye sa buhay ng mga Laurel ay alam nito.
Sa ground floor lang ang inilaang kuwarto para kay Glenn dahil delikado sa itaas. Baka sumpungin ito at magwala, biglang tatalon.
Nakaabang na ang mga kawaksi sa mansiyon, at naroon din ang naging yaya noon ni Glenn, nagpakilalang si Aleng Gloria. May dalawang babae pang kasama, si Jessa, labandera. Si Marlyn, cook sa mansiyon. Nakahilira rin sa sala ang bodyguards at driver.
Malawak ang ground floor, merong apat na kuwarto. Pinapili siya ni Aleng Gloria ng kuwarto na malapit kay Glenn. Si Carlo ay pinili sa second floor. Pati kuwarto ay deign ng hotel suite, maging kagamitan pero mas moderno. Lahat ng pinto ay sensor at gawa sa alloy. May air-con din sa kuwarto niya at overlooking ang dagat.
May nakita siyang yate at ibang maliliit na sasakyang pandagat sa may munting pantalan. May chopper din sa itaas ng malawak na warehouse. Kung hindi siya nagkakamali ay pag-aari rin ni Glenn lahat nang iyon, even the aircraft.
Based sa profile ni Glenn, dati itong commercial pilot bago niyakap ang passion sa sports at modeling. Kaya hibang na hibang siya rito. Everything about Glenn was her inspiration. He’s a total package guy, almost perfect. Pero sabi nga, hindi kaagad makikilala ang isang tao kung hindi nakakasama nang matagal sa iisang bubong.
She knew that a famous personality like Glenn also hid his genuine nature in the mask of fame. Once the mask has broken, the natural face will reveal. Wala sa hinagap na darating siya sa punto na mapapasok ang pribadong buhay ni Glenn, makikilala ang mga tao sa likod nito, lalo na ang sikreto nito.
Hindi pa siya nakapagbihis ay hinahanap na siya ni Glenn. As usual, he was calling her with the name he insisted. May balak ata itong gawin siyang babysitter. Kailangan maipaintindi niya rito kung ano lang ang trabaho niya.
Napatakbo siya sa pinto nang may kumalampag dito mula sa labas. Narinig na niya ang boses ni Glenn na tinatawag siya. Mahina na ang boses sa labas dahil sa kapal ng pinto. May doorbell naman at mukhang hindi pa alam ni Glenn gamitin.
“Noname!” sigaw nito.
Pagbukas niya ng pinto ay bumungad si Glenn na sakay pa rin ng wheelchair. Umaliwalas na ang mukha nito, wala na iyong lungkot at pagkabahala na nabanaag niya.
“Bakit dito ka?” kunot-noong tanong nito.
“Ito ang kuwarto ko,” nakangiting tugon niya.
“Akala ko sasamahan mo ako.”
“Kasama mo naman ako rito sa bahay, eh. Magkikita lang tayo kapag oras na ng pag-aaral mo. Merong study room at doon kita tuturuan.”
Glenn pouted and crossed his arms on his chest. “I got it. You’re here for work.” Inikot nito ang gulong at napatalikod sa kaniya.
“Magpahinga ka muna. Bukas na tayo magsisimula sa lesson mo,” aniya.
“Alright,” sabi lang nito saka nagpatulak kay Aleng Gloria.
Pumasok siyang muli sa kuwarto at nagbihis. Excited na siyang mag-explore sa malawak na lupain. Ang sarap ng hangin doon, langhap ang simoy mula sa karagatan. Pero bago gumala, hinintay niya ang lunch. Wala siyang baong pagkain dahil inaasahan niya na doon na sila kakain.
Dahil nasa bahay lang at hindi naka-duty, feel at home siya maging sa suot na damit. She just wore short denim pants and a white shirt. Balak kasi niyang maglakad sa beach kapag malapit na lulubog ang araw.
“Pasensiya na kayo, Stella, nagluluto pa lang. Akala kasi namin hapon na kayo darating. Wala namang tawag si Dr. Laurel,” sabi ni Aleng Gloria nang lapitan siya nito sa lobby.
“Ayos lang po. Biglaan din kasi magpasya si Dr. Laurel. At saka kung kotse ang gamit namin, baka hanggang ngayon ay wala pa kami rito.”
“Oo nga, eh. Inakala ko rin na kotse ang gagamitin ninyo. Kaya pala pina-report na rito ang mga bodyguard ni Sir Glenn.”
“Eh si Glenn po, natulog ba?” pagkuwan ay tanong niya nang maisip ang binata.
Napakamot ng ulo ang ginang. “Ayaw niyang mahiga sa kama. Nanood siya ng telebisyon na nakaupo lang sa wheelchair. Sabi niya ay wala na siyang ginawa sa institute kundi matulog kaya hindi raw siya matutulog dito.”
Napangiwi siya. “Patay tayo riyan. Baka mahirapan kayong patulugin si Glenn,” aniya.
“Matutulog din ‘yon kapag inantok. Malaking adjustment lang ang gagawin namin kasi iba na si Sir Glenn ngayon. Kalungkot nga kasi hindi na niya ako maalala. Parang bumalik iyong batang inalagaan ko noon na makulit at salbahe,” amuse na wika ng ginang.
Napalis ang ngiti niya. Salbahe pala talaga si Glenn noong bata. “Pero kumusta naman po siya noong nagbinata at sumikat?” usisa niya.
“Hm… medyo okay na rin. Ganoon lang siguro ang lumaking spoiled. Wala namang perpekto.”
Nagduda na siya sa sinabi ng ginang. Hindi naman siya nag-assume na perpekto si Glenn katulad ng impression niya sa imahe nito bilang sikat na personalidad. Siyempre, kapag sikat na, maingat na sa mga ipinapakitang asal sa harap ng kamera.
Mamaya ay sumigaw na si Glenn gamit ang intercom. Hindi kasi maririnig ang boses nito dahil soundproof ang kuwarto nito. Napatakbo sila ni Aleng Gloria sa kuwarto nito.
Napatili ang ginang nang makitang binato ni Glenn ng baso ang screen ng TV. Mabuti matibay ang televisyon at ang baso lang ang nabasag.
“Ano’ng problema?” tanong ng ginang, hinatak si Glenn palayo sa nagkalat na bubog. Nakatayo na kasi ito, walang damit pan-itaas at tanging itim na jogging pants ang suot.
“Nawala ang pinapanood ko. Puro nag-aakyatang mga litra na lang,” reklamo ng binata.
“Dios mio! Eh tapos na iyong palabas kapag ganoon. Nako!” anang ginang.
Hindi napigil ni Stella ang kaniyang tawa pero mahina lang naman. Narinig pa rin siya ni Glenn at hinarap. Nagsalubong ang makakapal nitong kilay.
“You’re here. And why are you laughing?” may iritasyong sabi nito.
Pinigil niya ang kaniyang tawa. “Sorry. Akala ko kasi napano ka na.”
“The television has malfunctioned like the robot!”
“Walang sira ang tetebisyon. Hindi ‘yan katulad ng robot mong assistant noon na tuloy lang ang palabas. Iyan, kailangang palitan ang movie dahil movie player ang nagpapagana. At saka ibang palabas iyan kumpara sa napanood mo sa robot,” paliwanag niya.
“Same sila, Noname! Meron ding nagkakagatan, then katulad sa ginawa mo sa akin noon, naalala mo?” Nilapitan pa siya nito at pilit nagpapaliwanag na wala naman sa ayos.
Uminit ang mukha niya nang maisip ang tinutukoy nito. Merong daring scene ang movie na napanood nito, which is not suitable for his innocent mind.
“Uh, we will change the show later after lunch. I’ll give you the movie that suits you,” aniya, hinawakan sa kanang braso ang binata.
Nililinis na ni Aleng Gloria ang kalat sa sahig. Siya na lamang ang kumuha ng damit ni Glenn at pinasuot dito. Pagkuwan ay sabay na silang lumabas. Naghain na rin ng pagkain sa mesa ang mga kawaksi kaya dumiretso na sila sa dining area.
Isa-isang pinagmamasdan ni Glenn ang mga pagkain. “What are these?” ‘takang tanong nito.
“Food. Mga karaniwang pagkain na kinakain ng tao,” tugon niya. Pinaghila pa niya ito ng silya.
“Bakit marami? Sa institute konti.” Umupo na ito.
“Kasi doon, kontrolado ang kain mo at hindi ka pa puwedeng kumain ng kahit ano.”
“And now?” Tiningala siya nito.
“You can eat all you can.”
“You mean all of these?”
“Uh, not all. Iyong kaya mo lang.” Tinabihan niya ito at nilagyan ng konting kanin ang plato nito. “You can choose the viand.”
“What?”
“Alin sa mga ito ang gusto mong partner ng kanin?” Itinuro niya isa-isa ang mga ulam na nakahilira sa harapan nila.
Naglilikot ang mga mata ni Glenn. Na-attract ito sa roast chicken na buo pa. “That one,” anito, tinuro ang manok.
“Okay. I will slice the meat. What part do you prefer?” Hinila niya ang plato ng roast chicken at kinuha ang bread knife.
“Part? What part?” inosenteng tanong nito.
“Part of the meat. Do you want legs? Belly, wings?”
“Can I have the whole of that?”
Ngumisi siya. “Your father said that you need to control consuming the protein. The chicken was rich in protein. We will take two legs, then add some vegetables.”
“You choose, Noname.” Ngumiti na ito at hinayaan siyang mamili ng pagkain nito.
Nilagyan din niya ng steamed broccoli, baby carrots, at asparagus ang plato nito. Meron namang pritong isda, ginisang berdeng gulay, salad, appetizer, saka dessert. Ganoon ata talaga ang mayayaman, hindi lang iisang putahe ang inihahain sa mesa. For the people like her, serving one kind of menu was enough for the whole family. Spending a lot of money on food may risk the monthly budget.
Natuto siyang mag-budget noong ipinagkatiwala ng papa niya ang sweldo nito sa kaniya. Kahit noong may sarili siyang pera, binabalanse niya ang gastos sa needs at wants, at palagi siyang may naitatabi for emergency fund.
Hinintay ni Glenn na malagyan ng pagkain ang plato niya bago nito ginalaw ang pagkain. Nang sumubo siya ay gumaya ito.
“Eat well, don’t just watch my plate,” sabi niya rito.
Ngumiti ito, aliw na aliw sa kaniya habang ngumunguya. “I love watching you, Noname. You’re sexy, beautiful,” walang gatol nitong sabi.
Natigilan siya at napatitig sa binata. Marunong itong mag-appreciate ng physical appearance. Malamang ay naituro na iyon ng manchine dito. Glenn’s gaze stuck on her face, and she could feel the heat gradually milting her heart. She never hears a guy appreciating her beauty aside from her father. Even Haru never tells her she's beautiful.
Idinaan niya sa tawa ang kaniyang nararamdamang pagkailang. “Do you know what sexy and beautiful are?” tanong niya rito.
“According to the movie I had watched, a man saying those words to a woman they appreciate the beauty. Hindi ba kung ano ang nakikita ng mga mata ay maaring mag-trigger sa emotions?” anito.
Namangha siya. “Uh… yeah, but I think you need a more specific explanation about appreciation.”
“Okay. You will teach me, right?”
Tumango siya. “Tomorrow, we will start from scratch. Eat now.”
Malapad itong ngumiti at sumubo ng pagkain. Pero mayamaya rin siyang sinisipat nito kaya pakiramdam niya’y sinisilaban ng apoy ang kaniyang katawan. Mabuti na lang dumating si Carlo at sinamahan sila. Ito naman ang kinulit ni Glenn ng mga tanong.