TULALANG tinanaw lang ni Stella ang papalayong bulto ni Larry. She was still eager to know more about Haru’s suspect. Nadismaya siya nang matuklasan na hindi pala kusang loob na binigay ni Haru ang portrait kay Glenn. Unti-unti ay tila nagbabago ang pagtingin niya kay Glenn. Hahabulin sana ni Glenn si Larry pero inawat ito ni Gaspar. And while looking at him, her heart begged her to calm down and insisted that a version of Glenn she loved was innocent. Nanlulumong lumuklok siyang muli sa silya at hindi malaman ang gagawin. Nawalan na siya ng kontrol sa kaniyang emosyon at napahagulgol. Mas mainam na iluha na muna niya ang kaniyang pighati at hintaying humupa ang tensiyon. Hindi naman siya kinulit ni Glenn nang magpasya siyang pumasok sa kuwarto at humiga na sa kama. At least he knows ho

