HILONG-HILO pa sa mahabang biyahe si Stella kaya tatlong araw siyang nakamukmok lang sa kuwarto. Hinahatiran siya roon ng pagkain ng papa niya ngunit tikim-tikim lang dahil wala siyang ganang kumain. Simula noong dumating sila mula US ay hindi na niya magawang umimik. Her father tried hard to comfort her, but it was not enough. Buong gabi siyang umiiyak, sa paggising ay ganoon pa rin. Nababahala na siya sa kaniyang kalusugan kaya sa ika-apat na araw ng pagmumukmok, pinilit niya ang sarili na bumangon at kumain. Kailangan niya ng lakas upang magpatuloy sa buhay. Itinatak niya sa isip na magkikita pa naman sila ni Glenn at nasa mabuting kalagayan ang binata. May gamit pa siyang naiwan sa Clark at gusto niyang makuha lahat. Nang mahimasmasan ay nagpaalam siya sa papa niya na babalik sa Clar

