NAPAATRAS si Stella palayo kay Glenn nang akmang hahawakan siya nito sa balikat. Lalo lamang kasing nag-iinit ang kaniyang sistema nang lumapat ang balat nito sa kaniya. “Uh… pagod ka na ba?” tanong niya rito, balisa pa rin at pilit pinakakalma ang sarili. “I want to stay here if it’s okay,” nakangiting tugon ni Glenn. Sinipat niya ang oras sa suot niyang relong pambisig. Alas diyes na ng gabi. “Late na, matulog ka na dahil may tutorial pa tayo bukas,” aniya. “Okay.” Kinuha ni Glenn ang hinubad na damit sa silya saka ipinunas sa pawis. Lalabas na sana siya ngunit napansin niya si Glenn na lumapit sa portrait nito na ginawa niya. Nagulat siya bakit naroon na ang portrait. Marahil ay pinalipat na ni Aleng Gloria lahat ng gamit ni Glenn dahil si Fabio ang gagamit sa dating kuwarto nito.

