SA study room na ulit ang tutorial at todo iwas si Stella kay Fabio. Nagpapakaabala siya sa trabaho upang walang magnanakaw ng oras niya. Nag-focus siya kay Glenn. Values education ang topic nila kaya expected na niya na aantukin si Glenn. Habang nagsasalita siya sa harapan nito ay nakapikit na ito at nakanganga pa. “Glenn!” tawag niya rito. Kumislot ito, nagising at dagling inayos ang upo. Daig pa nito ang lasing na hirap nang dumilat ng mga mata. “Ano ‘yon, Teacher?” matamlay nitong tanong. “Makinig ka naman.” “I’m listening.” “Okay. Isulat mo ito,” aniya, nagsimulang magsulat sa pisara. Nakatatlong paragraph pa lamang siya at muling nilingon si Glenn. Nakapikit na ulit ito. Namaywang siya. Itinulak niya ng paa ang silya upang mag-ingay. Wala pa ring epekto. Nilapitan na niya ang

