“GOOD evening, Doc!” bati ni Stella kay Dr. Laurel na hindi maalis ang tingin kay Gareth. “Same to you, Stella. Sorry for distracting you. Haru needs to return to the institute tonight,” sabi ng ginoo. “Sige po. Nag-usap lang naman kami ni Haru,” aniya. “Is he your child?” mamaya ay tanong nito, talagang nilapitan pa si Gareth. “Uh, o-opo.” Kumabog na ang dibdib niya lalo nang hawakan ng ginoo ang kamay ng anak niya. “Anak siya ni Glenn, Dad,” mamaya’y sabad ni Haru. Pakiramdam ni Stella ay idinarang siya sa kumukulong tubig. Wala talaga siyang balak na sabihin sa doktor ang tungkol kay Gareth pero nabunyag na ni Haru. “I know, obvious naman. This child was a perfect resemblance to his father,” wika ng ginoo. Hindi na nakahuma si Stella, bistado na siya. “Sorry po dahil naglihim a

