WALA sa mood na bumalik ng yate si Stella. Pero nang makitang masaya si Glenn at nagyayang mag-night swimming, nabuhayan siya ng lakas. Ang mga ngiti nito ang nagbibigay ng lakas sa kaniya. And she found strong faith in his presence. Naglagay sila ng tent sa pampang na hindi naabot ng alon. Nagpagawa rin sila ng bonfire dahil doon nila balak magpalipas ng gabi. Safe naman doon dahil may mga guwardiyang umaaligid. Nag-ihaw ulit sila ng isda para sa hapunan. Nagpapaturo si Glenn mag-surfing kay Fabio na naligo rin. Habang nag-iihaw ng isda ay abot tainga ang ngiti ni Stella. First time niya nakitang kusang lumapit si Glenn kay Fabio. Later, they both enjoyed playing with the waves. Hiling niya na sana ay magtuloy-tuloy na ang paggaan ng loob ni Glenn kay Fabio. Saka lang din niya na-real

