KAHIHIGA lang ni Stella sa kama nang tumunog ang kaniyang doorbell, walang tigil. Inis na bumangon siya ulit at lumapit sa pinto. Nang mabuksan ay bumungad sa kaniya si Glenn, dala pa ang unan nito at puting pantulog ang suot. “Ano’ng problema?” tanong niya rito. “I can’t sleep,” anito. “So?” “I’m thinking of you. I’m scared. Baka kasi puntahan ka rito ni Fabio at dito matutulog. Baka puwede ako ang matulog dito, Noname?” namimilog ang mga matang sabi nito. Sandali siyang natigilan, kalaunan din ay natawa natawa. “Ano ba ang iniisip mo? Hindi matutulog dito si Fabio. Bumalik ka na sa kuwarto mo.” “I won’t trust him.” “Glenn, Fabio was your brother.” “I know, but I don’t like him.” He pouted, hugging his pillow tighter. “Please be good to him.” “Pati sa kaniya dapat maging mabait

