Chapter 34 "Wait me here at the parking lot later okay?" Beast said as he unclips his seatbelt. I nodded. "Okay." Nauna na kong lumabas ng sasakyan dahil may klase pa ‘ko. "I love you." I heard him say. I just smiled and walk away. "Hi Beauty!" "Ay gago!" Leche lang! Nanggugulat ‘tong hayop na Bryan na 'to. "Grabe ka beauty. Hindi ba pwedeng gwapo nalang at hindi gago?" He pouted. Umirap nalang ako. Kasama niya sila Ryan at Rile. "Nasaan si Troy?" Tanong ko sa kanila. "Nanlalake!" Sigaw ni Rile. "Sus. Bahala na nga kayo. Uuna na ‘ko sa inyo. Nasa parking lot lang si AC." Tumango nalang silang lahat. "Magba-basketball nga pala kami Beauty, last period this afternoon. Malapit na intramurals eh." Paalam ni Ryan. Oo nga pala.