Chapter 23 "Saan ba tayo pupunta Riley? Naiinis na ko sa inyo ha! Pinagtri-tripan niyo ‘ko no?" Sigaw ko sa apat na ungas na ‘to na kung makahatak sa ‘kin eh akala mo doctor ako na mamamatay na ‘yong patient. "Hindi ah!" Defensive na sagot ni Ryan saka lumayo sa 'kin. "Ikaw kumausap Troy." Kalbit naman ni Ryan kay Troy. "Bakit ako? Hoy Bryan..." "Aba! Tantanan mo ‘ko gago. Bugbugin ako niyan eh." Sagot ni Bryan kaya mas kumunot ang noo ko. Ayan na... magsisimula na naman sila. "Ikaw kumausap Riley Frenniere." Tinulak naman niya si Rile palapit sa 'kin. Kanina lang kung makahatak sila... tapos ngayon lalayo layo. "Uhm, sa music room tayo Yannah." Ngiting ngiti si Rile pero halatang napipilitan naman. Mukha siyang aso. Ano ba talagang problema ni