NAPASINTIDO si Jegs nang madiskubre ang plano ni Crsita. Kinuha na rin nito pati ang ina ni Denise. Hindi siya nakapasok sa pabrika at opisina dahil sa higpit ng security. Malamang, kontrolado ni Crista ang sitwasyon. Pero ayos sa ispiya niyang internal security sa pabrika, may itinanim daw na bomba si Crista sa loob ng gusali at warehouse. Hindi pa aware ang mga empleyado na busy sa operasyon. Nahuli ng tauhan ni Crista ang ispiya niya at pinatay, katatapos lang nilang mag-usap sa cellphone. Dumeretso siya sa CDO, sa mansiyon ni Dario upang magamit ang research facility. Noong nagpapanggap pa siyang si Sean, nag-iwan siya ng maliliit na CCTV device sa mga sulok ng gusali maging sa pabrika at warehouse. In-scan niya sa machine ang device na may koneksiyon sa lahat ng device na iyon. Na-r