“WALA namang tao. Baka may nakapasok na namang pusa,” sabi ng lalaking may hawak na flashlight. Nakahinga nang maluwag si Denise nang umalis din ang dalawang lalaki. Nang tahimik na sa labas ay saka lamang siya lumabas sa lungga niya. Wala na rin ang aso. Patakbo siyang lumapit sa puno ng mangga saka umakyat. Medyo mababa lang ito at maraming sanga kaya mabilis siyang nakaakyat. Pagdating sa itatas ng pader ay inilabas niya mula sa bag ang kumot na dinala niya. Itinali niya sa sanga ang kabilang dulo ay inihulog sa kabilang lupa ang kabila. Pagkuwan ay dahan-dahan siyang bumaba habang nakakapit sa kumot. Ligtas siyang nakababa. Iniwan na niya roon ang kumot. Tumakbo na siya patungo sa kalsada. Habang naglalakad siya ay dala niya ang takot. Naisip niya ang mga bampira. Baka ika niya’y