NAGSIMULA na namang mabaliw ang puso ni Cruzette. Pero hindi niya hinayaang mangibabaw ang pananabik kay Clyde. Kailangan niyang linawin ang mga bagay-bagay. "Pumayag ka? Imposible! H-hindi ba't laban sa kagustuhan mo ang ganitong fixed marriages?" "I am against arranged marriage, Cruz, but not against you... rather marrying you. And for your information, ako ang nag-propose nito sa lolo." "A-anong ibig mong sabihin?" "Simple lang, mahal ko," ani Clyde at halos malunod na siya sa endearment nito. Ang isang kamay nito ay dumako sa kaniyang baywang at bahagya siyang kinabig. "Pumayag na'ko sa gusto ni Lolo. I called him up and told him na okay na sa aking magpakasal sa anak ni Mr. Belleza. Sa isa pang anak ni Mr. Belleza." Nahigit niya ang paghinga sabay ng pag-iinit ang mga mata. Pinag