"CRUZETTE, wait!" anang boses na nagpalingon sa kaniya sa hallway. Naghihintay lang sila noon sa elevator. Napalingon din ang dalawang lalaking kasama niya. Nakita nila ang humahabol at lalong nagwala ang puso niya. "Buddy, sa hagdan tayo!" hila sa kaniya ni Roswell at nilampasan nila si Jess. "Cruz, please!" habol ni Clyde na nang makalapit ay agad siyang hinawakan sa braso. Mabilis naman si Roswell na itinulak si Clyde kaya nabitiwan siya nito. "Buddy!" saway niya sa kinakapatid. Natitigilan itong pinagmasdan siya. Agad namang gumitna si Jess, pero bago pa ito makasalita ay naunahan na ni Clyde. "Back off, Jess! Balikan mo ang mga bisita mo sa loob!" galit na utos nito sa kaibigan. Halata namang nagulat si Jess. "B-bro... it is your party..." "It's not my party!" giit ni Clyde at