"BUDDY?" tensiyonadong tanong ni Roswell na hinablot ang papel. Ngumiti siya at pinigilang mahikbi. Nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ng kinakapatid. "Yes!" sigaw ni Roswell sabay bitiw sa papel at hinila siya para ikulong sa mga bisig nito. Hindi din niya napigilang mapayakap dito. "Sa wakas, Buddy! Natupad mo na ang gusto mo. Makikilala mo na ang tatay mo!" Tumango siya bilang pagsang-ayon sa kinakapatid. Nakita niya si Don Marciano na tumatango sa mga imbestigador. "Inspector Rosales, asikasuhin mo agad ang magiging pagkikita ng mag-ama," utos ni Don Marciano na malinaw niyang narinig. Manghang napatingin siya dito. Kumawala siya kay Roswell, subalit hindi siya lubusang binitiwan. "S-Senyor...? Ibig sabihin...?" "Oo, Hija," ani Don Marciano. "Hinihintay ka din ng iyo