"YESSS!" Malakas na sigaw ni Syd at Win habang papalabas kami ng room namin. Natawa kami ni Jeyd habang pinanonood sa sila. Katatapos lang kasi namin sa pinagagawa ni Prof Lei at binigyan kami ng mataas na points. Tuwang tuwa naman ang dalawa dahil sa nakuha naming points. "Guys, uwi na ko ah?" paalam ko sa kanila. "Manlilibre nga kami ni Syd kaya mamaya na! Kumain tayo!" "Ikaw lang gung gong wala akong pera!" Naiiling ako sa dalawa at tumingin sa relo ko. Mabilis kong nilabas ang cellphone ko upang itext si Shemi na bantayan muna ang dorm ko. Tumingin ako kela Syd at Win na nakatingin sakin. "Si Raj ba tinext mo?" "Wala akong number ni Raj. Si Shemi, tinext ko." sagot ko sa kanila. "Wala kang number ni Raj pero nililigawan ka nya?" Napatingin ako kay Jeyd na mukang hindi makapan