Dahan dahan kong ini sway ang bewang ko habang nasa likod ko si Reloy. Dumapo ang dalawang kamay nya sa bewang ko at humarap sa kanya. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa balikat nya at sumayaw ako ng pataas baba. Tumingin ako sa mga mata nya habang sumasayaw ako. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko at mabilis nya kong siniil ng halik na agad ko naman itong tinugon. Humiwalay agad kami at saka kami tumawa ng dalawa. Ilang gabi na ba ako ganito? Ilang gabi na ba akong pumupunta ng bar para lang makalimot? Umaakto ako ng walang pakielam sa harapan nila lahat. Umaakto ako na parang hindi nasasaktan. Lalo na't doon nakatira ang babaeng 'yon sa mga Smith. Hindi ko pa nasasabi kay Mama ang totoong nang yayare dahil ayokong istorbohin 'yon. Hinila ko si Reloy sa bar counter at umorder kami ng dri