Hindi ko maiwasan magalit sa sarili ko dahil sa nakikita ko. Hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko sa nang yayare ngayon. Pinanonood ko si Sai na yakap yakap ang isang maligamgam na bagay habang daing na daing sa sobrang sakit ng tiyan nya. Pinipilit na s'yang dalan sa hospital pero ayaw n'ya pa. Hindi pa n'ya due date at ayaw nyang pumunta sa hospital. Halos isang araw na sya nag gaganyan dahil sa sakit ng tiyan nya at wala akong magawa kundi panoorin sya...habang hawak hawak nung Fred ang kamay nya. "Sai, kaya mo 'yan." Unti unti dinilat ni Sai ang mga mata nya at ngumiti kay Fred. Iniwas ko ang tingin ko at saka tumayo. "Dalin na natin sya sa hospital." naiinis na sabi ko. "Mabuti pa nga." Nakahinga ako ng maluwag sa pag payag ni Mama. Akmang bubuhatin s'ya ni Fred ay bigla ko