Dumating ang araw na pinangangamba ko, isang linggo nawala si Raj sa tabi ko at panay din kami sa cellphone nag uusap na dalawa. Hindi ko aakalain na sobrang tagal para sakin ng isang linggo, para bang ang bagal bagal na oras at di ko pa maiwasan kabahan dahil kasama nya si Marinella. Huminga ako ng malalim at tinignan ang cellphone ko. This his 3rd day na wala sya sa tabi namin ni Ren. Mabuti nalang hindi masyado umiiyak si Ren dahil wala si Raj pero madalas hinahanap nya. Pinapakita ko nalang ang picture nilang dalawa at natutuwa na agad si Ren sa ganon. Sa unang araw ay hindi ako mapakali hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi ako sanay na wala si Raj sa tabi ko. Pumapasok ako sa University na malaki ang eyebag at papikit pikit pero pag dating naman sa bahay hindi ako makatulog ng