"Jake on the way in their location at mayat-maya ay sumisigaw." "Bilisan mo ang pagmamaneho!" "Bos hindi maari maraming nagkalat na patrol. Mas matatagalan tayo kong madedelay dahil sa paghabol ng mga pulis." "Shut up! Itigil mo ang sasakyan at ako ang magmamaneho!" Walang nagawa ang lalaki at itinigil ang sasakyan sa gilid ng highway. Hindi pa man lang naisasara ang pinto ay humarurot na iyon. Muntikan pang maiwan ang dating nasa manibela kanina. Kung si Jake lang ang masusunod ay mag isa lang siya na pupunta sa lugar. Lalong nadagdagan ang init ng kanyang ulo ng maalala ang pinagsasabi ng lalaki sa cellphone. Sa kabilanh dako. K-kuya papaano namatay si mama?" "Nagkasakit siya matapos kang ilayo ng ama mo. Pinilit na bumalik ni mama sa ibang bansa at doon dinapuan siya ng matindi