Dinala silang lahat sa presinto pero parang walang pakialam si Kyle. Si Jake ay worried, hindi sa nangyari sa kanila kung di sa asawa na iniwang tulog. Sigurado na gising na ito sa mga oras na iyon, lalo na siyang nag alala lalo at buntis pa ito. "Baba!" Nagsibabaan ang lahat pati na silang dalawa, halos itulak pa sila ng mga pulis. "Oh, anong nangyari Mr. Montemayor?" "Ipasok sa silda mga iyan!" Natigilan sa pag hakbang ang isang matangkad na lalaki." "Montemayor,? "humn, Saan nga ba niya iyon narinig parang familiar sa kanya." "Ikaw! Bakit nakatayo kapa riyan?" Masikip ang kulongan, mainit at kakaiba ang amoy. Pasok silang lahat maliban sa dalawang nakalaban nila. "Bos bakit pumayag ka na ipasok dito?" "Manahimik ka baka may makarinig sayo!" Tahimik si Kyle na nakasandal