Sa wakas, may pasok na ulit ako sa bar. Napagod ako sa school kanina pero hindi man lang ako makaramdam ng antok. Motivated ako na kumita. Kailangan kong magkaroon ng madaming pera, para matustusan ko ang lahat ng mga gastusin ko sa school, dorm, pagkain ko sa araw-araw at iba pang gastusin z Kung suwertehin, mapapalitan na din ang mga lumang-luma kong mga damit. "Huwag mong sabihing kulang pa, gagawin na talaga kitang clown." Nakataas ang kilay ni Kamielle sa akin. Nagpa-make up kasi ako sa kaniya. Pinagaya ko iyong make up niya sa isa sa mga picture niya na nakadikit sa dingding. Mukha siyang singkit doon kahit hindi naman siya singkit. "Okay na 'to," sabi ko nang makita ang kinalabasan ng make up niya sa akin. Ang ganda ko! "Sus! Nagpapaganda ka lang doon kay Benj, e." Ngumuso