CHAPTER 23

1308 Words

"Aalis na ako," paalam ko kay Kamielle. Inaantok pa siya kaya isang mata lang ang dinilat niya. "Hmmm... Ingat. Makakauwi ka ba mamaya?" inaantok niyang tanong. "Hindi ko alam. Depende siguro." Inaantok man ay nagawa pa din niyang ngumisi ng mapang-asar. "Galingan mo," aniya habang kinukumpas ang kamay, na akala mo may hawak siyang batuta. Pinabukol din niya ang dila sa kaliwang pisngi, papunta sa kanan. "Maiwan na nga kita!" Umirap ako. Humalakhak naman siya. "Loka-loka ka talaga!" Habang naghihintay ng klase, nag-text ako kay Benj ng good morning. Wala naman siyang sinabi na bawal akong mag-text. Para lang iyon sa mga lalakeng may sabit. Walang sabit si Benj, kaya nga sa kaniya ako, e. Ano daw? Kaso nag-lunch break na wala man lang siyang reply. Siguro, busy siya o sadyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD