"Ito naman, galit na galit..." Ngumuso ako dahil nanatiling seryoso ang mga tingin niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dahil natatawa ako. Baka kapag tumawa ako, mas lalo siyang magalit sa akin. "Himala at hindi mo ako natiis ngayon? Naalala ko dati sa mall, nang sinundan kita..." Buti naisip ko iyon. At least absuwelto na ako sa inis niya. Pinalungkot ko ang aking mukha. Gaslighter ka, Lynette, sabi ko sa aking sarili. He sighed. Inakbayan niya ako. Napangiti ako. Ninakawan ko siya ng halik para hindi na siya magalit. "Di ba aalis ka?" malambing kong tanong. Nakatingala ako sa kaniya at nakatitig naman siya sa maganda kong mukha. Gandang-ganda siguro siya sa akin. Pinisil ko ang tungki ng kaniyang ilong. "Akala ko nakaalis ka na. Bakit mo pa ako sinundan?" Sumeryoso ang

