Binilang ko ang pera na inutang ko kay Benj. Sixty thousand pesos. Pinaypay ko pa ito sa aking sarili. Ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera kaso utang naman. Hindi din naman ito para sa akin kundi para kay Tita Odessa. Magbibigay din siguro ako kina Tatay para may magamit sila. Pambili ng mga buto ng gulay at fertilizer para sa bakanteng lupa sa gilid ng aming bahay. Puwede nilang ibenta kapag namunga na para may pambili sila ng kaunting groceries. Nilagay ko ito sa loob ng sobre pagkatapos kong titigan ng ilang minuto. Pagkatapos ay sinuksok ko sa aking bag na nasa gilid ng aking unan. Matutulog na ako. Maaga pa ako mamaya sa remittance para ipadala ito sa kanila. Kahit paano nasolusyunan na ang problema ko. Sana naman magkasya na 'to. Huwag na sanang kulitin ni Tita