Bagong araw, bagong pag-asa. Habang may buhay may pag-asa. Day off ngayon ni Kamielle kaya siya ang nag-make up sa akin. "Hindi pa tapos. Dapat agaw pansin ka doon," sabi niya habang nilalabas ang kaniyang eye shadow pallette. Naka-full make up ako ngayon with smokin hot na eye shadow. "Pak! Sino'ng magsasabing nag-iiyak ka kagabi?" biro pa niya. "Alis na. At huwag kang uuwing umiiyak, ha?" "Oo na. Kapag na-bore ka, puntahan mo na lang ako sa mall. Hintayin mo ako," bilin ko. "Sige. Ingat ka. At tandaan mo, pansamantala lang ang buhay natin sa mundo. May mga tao tayong makikilala na pansamantala lang din at hindi mag-stay sa atin." Tumango-tango ako. "Kung ayaw na sa'yo ni Benj, hayaan mo na siya. Girl, maganda ka! At kung sugar daddy lang naman, madami diyan." "Kung ako sa

