Patapos na ang last subject ko at hindi pa din ako nag-r-reply kay Benj. Ngayon na nagparamdam na siya, nagdadalawang isip naman ako kung kikitain ko pa ba siya pagkatapos ng nalaman ko. Pero kailangan mo ng pera niya, sabi ng utak ko. Pera. Dahil sa pera kailangan kong lunukin ang pride ko. Kailangan kong ibaba ng husto ang sarili ko. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Anxiety na yata 'to. "Lynette..." tawag sa akin ng mga kaklase ko. Napakurap ako. Nag-space out na pala ako. Tapos na ang klase at karamihan sa mga kaklase ko ay wala na sa classroom. Tumango ako at dahan-dahang tumayo. Inayos ko ang aking bag bago dahan-dahang naglakad palabas ng classroom. Nag-iisip ako. Nagtatalo din ang isip ko kung uuwi na ako o pupuntahan ko si Benj. Sa huli, nagpunta ako sa condo

