CHAPTER 48

1526 Words

"A-Ano— Hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil basta na lang akong hinalikan ni Benj. Hinihingal ako nang lumayo siya. "Bakit mo ako sinundo?" tanong ko pero hindi na siya sumagot. Basta na lang siyang nag-drive, pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan. Hindi pamilyar ang daan. Hindi ito ang daan papunta sa kaniyang condo, kaya wala akong idea kung saan kami pupunta; kung saan niya ako dadalhin. Kulang isang oras din yata ang byahe bago tuluyang huminto ang sasakyan. Nakarating kami sa isang mamahaling hotel. Hindi ako agad bumaba. Nakababa na siya pero nanatili ako sa sasakyan. Heto na naman ako. Natutukso na naman imbes na nag-m-move on na ako at malaya na sa kasalanan. Binuksan ni Benj ang sasakyan. Kaya naman palang buksan. Hindi siya gentleman ngayon. Hindi nga din niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD