Masakit ang buo kong katawan ngunit naririnig ko na ang aking alarm clock. Pinilit kong idilat ang aking mga mata at pilit ding bumangon kahit na gusto ko pang matulog. Alas-singko lang ng umaga. Uuwi pa ako para magbihis, bago dumiretso sa school. Nagising din si Benj sa aking tabi. Sinulyapan ko siya saglit bago ako pumasok ng banyo upang makapaghilamos at tooth brush. Paglabas ko ng banyo, wala na si Benj sa bed. Baka nauna na siyang umalis. Mag-t-text naman siguro siya kapag magkikita na ulit kami. Nagmamadali na akong magbihis. Nasa living room lang si Benj paglabas ko ng kuwarto. "Akala ko nauna ka ng umalis," casual kong saad sa kaniya. "Ano'ng oras ang work mo?" "May bagyo," sabi niya sa akin. "Huh?" "Signal number two. Cancel ang klase sa lahat ng level," aniya.

