Chapter 26 C A L I S T A "Ikaw ba pumatay sa kanila?" Tanong ko habang mabilis ang t***k ng puso ko. "Para diyan?" Hindi ito makasagot at tila gulat sa nangyayari, wala na ako sa katinuan dahil sobrang sakit na ng puso ko. Sobrang bigat na ng nangyayari saakin. Hindi ko siya kayang patawarin kung mapatunayan ko na siya ang may gumawa n'on kila Aling Juana. "H-hindi ako," Aligaga niyang sabi. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kung 'di ibato sa kaniya ang titulo ng lupa. "Then tell me kung saan 'to galing!" I yelled. Taas-baba na ang puso ko dahil sa nakikita ko sa kaniya, mukhang may alam siya sa nangyari. At dahan-dahan, kinakain ako ng sakit. Fuck. Paano niya nagawa 'to? Sa lahat ng taong pag-iisipan ko ng mali, siya pa ang hindi ko inaasahan. I risk my heart for him. Sa buo

