Lorna's still sleeping beside me when I woke up at exactly 5 f*****g a.m. because of the loud ringing of the alarm clock. I didn't set it, though. Sigurado akong itong babaeng natutulog pa rin hanggang sa ngayon ang nag-set nito. God, she really sleeps like the dead while I'm just a light sleeper. And why does she even have to set the clock? Hindi naman siya nag-a-alarm kapag nandoon sa apartment niya kahit na may pasok siya. Pinatay ko ang digital clock sa may bedside drawer saka maingat na umupo muna sa kama upang magpahinga. Hindi ko na inabala ang sarili ko na gisingin pa si Lorna nang magtungo ako sa banyo para makaligo at makapaghanda na. Maaga pa naman. Kusa naman siguro siyang magigising maya-maya. Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay lumapit ako sa kama saka humalik sa gil