Tinatambol ko ang mga daliri ko sa leather cover ng steering wheel habang naghihintay na umusad ang mga sasakyan sa unahan dito sa kalsada. Ilang minuto na akong late sa oras ng usapan namin ni Mykolas dahil sa traffic. I wanted to be professional and be there at the restaurant on time, but the traffic won't let me. Ilang beses na rin akong sinubukang tawagan ni Mykolas. Mga limampung beses na yata simula kaninang nasa office pa ako ngunit isa lang ang nasagot ko. I mean, sinagot. Hindi ko naabutan iyong iba, at iyong iba naman ay talagang hindi ko sinasagot dahil una sa lahat, nasa office ako at hindi ako gumagamit ng phone doon. Alam ko na rin naman kung saang restaurant kami magkikita kaya bakit ko pa sasagutin ang ibang tawag niya? Bukod pa do'n, magkikita rin naman kami at mag-uusa