Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng penthouse ay inaasahan ko nang madadatnan ko si Lorna sa may living area, nakahiga sa couch at nanonood, subalit wala siya. The only thing that welcomes me home was the furniture. Isinabit ko ang susi ng sasakyan sa key holder saka na naglakad patungo sa kuwarto. Bahagyang nakaawang ang pintuan nang makarating ako sa tapat. Hindi ko na inabala ang sarili ko na kumatok pa at tumuloy na sa loob. Napangiti ako sa sarili nang madatnan si Lorna na nakaupo sa may paanan ng kama. Iyong suot niya sa pagpasok kaninang umaga ay 'yon pa rin ang suot niya hanggang ngayon. Nakalatag sa sahig ang luggage at duffle bag na lalagyan ng mga damit niya. May mga nakatupi na sa kama at iyong iba naman ay magulo pa. Siguro ay inaayos na niya ang mga 'to, at balak na niyang