"What made you think you're deserving to be called daddy by Ianthe, Mykolas?" Seryosong tanong sa akin William. Kadarating ko lang dito sa mismong office niya, at halos kauupo ko pa lamang sa upuang nasa harapan ng desk niya. At iyon na agad ang unang tanong na lumabas mula sa bibig niya. It's not like I need some courtesy from him. Mas maganda nga itong dumiretso na kami sa ganitong usapan dahil ito naman talaga ang ipinunta ko rito. "Because I'm her father," tugon ko dahil iyon naman ang totoo na hindi rin niya puwedeng itanggi. "Would you rather see her grow up without a father, William? Kahit na nandito ako at buhay na buhay?" Kalmadong balik-tanong ko. "And do you think you'll be a good father to her?" He mocks. "I know you and your dirty deeds, Mr. Governor." I fought the urge t