Pinilit kong tanggalin ang kamay na nakatakip sa bibig ko ngunit mas diniinan pa niya iyon. Sa lakas ng puwersa ng kamay niya ay napahakbang ako paatras hanggang sa maramdaman ko ang matigas na pader sa likuran ko. Kita ko ang galit sa mga mata niya kahit na may ngiti sa mga labi nito. Hindi ko mawari kung saan nagmumula ang ganitong klase ng galit niya sa akin sa mga sandaling ito. Lumanghap ako ng hangin nang tanggalin niya ang palad niyang nakatakip sa bibig ko, ngunit hindi pa man ako nakakahinga nang maayos nang ipulupot niya iyon sa may leeg ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa leeg ko na wala nang hangin na pumapasok sa baga ko. Binalak kong sipain ang binti niya para depensahan ang sarili ko at para na rin mawalan siya ng balanse at baka sakaling mabitawan ako, ngunit bago