Ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko pagmulat na pagmulat ko ng mga mata kinaumagahan. Medyo kumikirot rin ang ulo ko dahil siguro sa alak na iniinom ko kagabi. At bukod pa doon, dahil na rin siguro sa mga nangyari. Pati ang mga kamay ko ay masakit rin dahil sa ginawa ni Mykolas. Ni hindi man lang ako niya tinabihan rito sa kama niya. Siguro ay natulog iyon sa ibang kuwarto dahil hindi ko naramdaman ang presensiya niya—na okay lang sa akin. Hinapit ko ang kumot sa katawan ko saka nakangiwing umupo sa kama. I am still naked under the sheet. Ni wala na akong enerhiya para maglinis man lang ng katawan kagabi. Lagkit na lagkit na ako sa balat ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid para hanapin ang mga damit ko. Kailangan ko nang makauwi. Paniguradong nag-aalala na ang kaibiga