"I am still very fcking mad at you," rinig kong sabi ni Jaica sa mariing tinig sa kabila ng ingay dito sa loob ng bar. O baka talagang diniinan niya ang pagkakasabi niya no'n para talagang marinig ko. Para malaman ko kung gaano ko siya nagalit at nainsulto doon sa naisip ko noong makita ko silang magkasunod ni Mykolas. Can't blame her. And they couldn't blame me for the same reason. Ang kaso nga lang ay kahit halos isang linggo na ang lumipas, ibinabalik-balik pa rin sa akin ng kaibigan ko iyon. Kapag nasa bahay kami o eskwela, maayos naman kami. Subalit sa tuwing sasagi yata sa isipan niya ang tungkol doon, o kapag may alak na dumadaloy sa mga ugat niya—katulad ngayon—isinusumbat niya. Parang gusto niya akong sabunutan at isubsob ang mukha ko sa sahig dahil napag-isipan ko siya ng gano'