Mykolas I was busy assembling the crib of my baby while my baby mommy was watching. Nandito kaming dalawa sa nursery room. Sabado ngayon kaya wala rin akong trabaho, at ang panganay namin ay nandoon sa lolo't lola niya. Pinasundo nila siya kaninang umaga kay Makenna para isama sa lakad nila. Wala lang akong ideya kung saan nila dadalhin ang anak ko. "You good?" Lorna asked. "Mhmm," sagot ko saka ngumiti sa kanya. She was lying comfortably in a bean bag. Pero mamaya niyan, hindi siya makakatayong mag-isa. Iyon nga lang, kahit nahihirapan siya, hindi niya hihingin ang tulong ko. Kung hindi ako magkukusa, wala akong maririnig mula sa kanya. Pati nga dito sa pag-aayos ng nursery room ay gusto niya na siya lang. Noong mga unang buwan naman ay panay ang utos nito. Tinamaan pa yata siya ng hi