CHAPTER 21

1231 Words

NAGISING si Cassius nang mag-isa na lang sa kama ng kaniyang ampon, tanging teddy bear na lang ang katabi niya. Parang nagulat pa siya nang mapagtantong doon siya nakatulog sa kuwarto nito. Sandali pa siyang nakiramdam pagkabangon, pero tahimik sa loob ng kuwarto, at wala rin siyang ingay na narinig mula sa loob ng bathroom. Tahimik na lang siyang lumabas at pumasok sa kaniyang sariling bedroom. Dumiretso siya ng bathroom at agad na naligo para maalis ang kaniyang pagka-hangover, dahil parang may tama pa rin siya ng alak. Pero nang kasalukuyan na siyang naliligo sa ilalim ng shower ay napahinto siya sa pag-shampoo sa kaniyang buhok nang maalala kung ano ang ginawa kagabi. He kissed her. Sa isang iglap ay kumabog bigla ang dibdib niya, nagwala ang puso niya sa loob ng kaniyang dibdib.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD