MATAPOS mag-usap ay ginamot na ni Lorelei ang sugatan na kamay ng kasintahan, at habang ginagamot ay pareho silang walang imik, pero ramdam niyang pinagmamasdan siya ni Siege. Nang matapos gamutin ang sugat ng kasintahan ay nilinis naman niya ang mga kalat na pinagwalaan nito, at tinulungan naman siya nito. Pero hanggang sa natapos sila sa paglilinis ay katahimikan pa rin ang namayani. “Magluluto ako ng pagkain para sa lunch natin, ano'ng gusto mo?” tanong na niya sa kasintahan nang matapos na sa paglilinis. Ilang sandali naman siyang tinitigan ni Siege bago ito kalmadong sumagot. “Bahala ka, kakain ako basta luto mo.” Mahina na lang siyang tumango at tipid na ngumiti bago pumasok na ng kitchen. Mabuti na lang pagbukas niya ng ref ay may mga pagkain pa rin na puwedeng lutuin, kaso pur